User guide ng Nokia 4.2

Skip to main content
All Devices

Nokia 4.2

Imbakan

Para tingnan kung gaano kalaki ang available na memory mo, i-tap ang Mga Setting > Imbakan.

Tingnan ang available na memory sa iyong telepono

Kung napupuno na ang memory ng telepono, tingnan muna at alisin ang mga bagay na hindi mo na kailangan:

  • Mga text, multimedia, at mail na mensahe
  • Mga entry at detalye ng contact
  • Mga App
  • Musika, mga larawan, o mga video

Sa halip na alisin, maaari mo ring ilipat ang mga file sa memory card.

Maaaring maapektuhan nang husto ng kalidad ng iyong memory card ang paggana ng iyong telepono. Para masulit ang iyong telepono, gumamit ng mabilis na 4–128GB na card na mula sa isang kilalang manufacturer.

Gumamit lang ng mga tugmang memory card na inaprubahan para gamitin sa device na ito. Maaaring masira ng mga hindi akmang card ang card at ang device at masira ang data na nakaimbak sa card.

Para makita kung gaano kalaking memory ang mayroon kang available at kung paano ito ginagamit, i-tap ang Mga Setting > Storage.

Mag-alis ng mga na-download na app

I-tap ang Play Store > menu > Aking mga app at laro, pumili ng app na gusto mong alisin, at i-tap ang I-UNINSTALL.

Mag-disable ng app

Hindi mo maaaring i-delete ang ilang app na naka-preinstall sa iyong device. Ngunit maaari mong i-disable ang mga ito at maitatago ang mga ito mula sa listahan ng mga app sa iyong device. Kung magdi-disable ka ng app, maaari mo itong muling ibalik sa device mo.

  1. I-tap ang Mga Setting > Mga app at notification.
  2. I-tap ang pangalan ng app.
  3. I-tap ang I-DISABLE. Maaaring hindi mo ma-disable ang lahat ng app.

Kung nakadepende ang isang naka-install na app sa isang inalis na app, maaaring tumigil sa paggana ang naka-install na app. Para sa mga detalye, tingnan ang dokumentasyon ng user ng naka-install na app.

Magdagdag pabalik ng naka-disable na app

Maaari kang muling magbalik ng naka-disable na app sa listahan ng mga app.

  1. I-tap ang Mga Setting > Mga app at notification.
  2. I-tap ang pangalan ng app.
  3. I-tap ang I-ENABLE.

Kumopya ng nilalaman sa pagitan ng iyong telepono at computer

Maaari kang kumopya ng mga larawan, video, at iba pang nilalaman na ginawa mo sa pagitan ng iyong telepono at computer para ipakita o iimbak ang mga iyon.

  1. Ikonekta ang iyong telepono sa isang akmang computer gamit ang isang akmang USB cable.
  2. Sa iyong computer, magbukas ng file manager, at mag-browse patungo sa iyong telepono.
  3. Mag-drag at mag-drop ng mga item galing sa iyong telepono papunta sa computer, o galing sa iyong computer papunta sa telepono.

Tiyaking ilalagay mo ang mga file sa mga tamang folder sa iyong telepono, o hindi mo makikita ang mga iyon.

Did you find this helpful?
  • Panatilihing napapanahon ang telepono mo
  • Mga key at piyesa
  • Ilagay ang SIM at mga memory card
  • I-charge ang iyong telepono
  • I-on at i-set up ang iyong telepono
  • Mga setting ng Dual SIM
  • Pag-set up sa fingerprint ID
  • Protektahan ang iyong telepono gamit ang isang lock ng screen
  • Gamitin ang touch screen
Mga update at backup sa software
  • I-update ang software ng iyong telepono
  • I-back up ang iyong data
  • Ipanumbalik ang mga orihinal na setting at tanggalin ang pribadong nilalaman mula sa iyong telepono
  • Imbakan

Useful Links

PDFSoftware Updates

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you